CALOOCAN RESIDENTS 90% NANG BAKUNADO

UMABOT sa 1,077,453 o mahigit 89% ng kabuuang target na 1.2 milyong populasyon ng Caloocan City, ang nabakunahan na ng first dose ng COVID-19 vaccine, ayon sa huling datos ng City Health Department.

Para naman sa mga fully vaccinated o nabakunahan na ng kanilang second dose, nasa 76.62% na ang lungsod.

Sa pagbabakuna naman sa general pediatric population o mga kabataang edad 12-17, nasa 93,450 o 52.41% na ng target na mabakunahan ang nakatanggap na ng kanilang first dose.

Samantala, hindi bababa sa 14,370 naman na kabilang sa medical workers (A1), senior citizens (A2), at adult with comorbidity (A3) ang nagpabakuna na ng kanilang booster shot.

Sa kabuuan, hanggang Nobyembre 30, 2021, ang mga bakunang naiturok na sa Caloocan ay umaabot sa 1,992,901 doses.

Patuloy na hinihikayat ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Oscar Malapitan, ang mamamayan na magpabakuna. Bukas ang mga bakunahan sa lungsod araw-araw, Lunes hanggang Linggo, taga-Caloocan man o hindi ang magpapabakuna. (ALAIN AJERO)

103

Related posts

Leave a Comment