CEBU CITY BALIK-ECQ; METRO MANILA, MANANATILI SA GCQ

ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa kanyang Talk to the People Address, araw ng Lunes, Hunyo 15, ang Cebu City sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) simula ngayong araw, Hunyo 16.

Ang patuloy na mataas na bilang ng mga bagong kaso at paglaganap sa komunidad ng pagkahawa sa mga pangunahing barangay sa lungsod at ang consistent case doubling time ng less than seven (7) days at significant increase sa critical care utilization laban sa critical care capacity ang mga dahilan kung bakit ibinalik ang Cebu City sa ECQ.

Ang Talisay City, component city sa ilalim ng lalawigan ng Cebu, ay inilagay naman sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Hunyo 30, 2020, para sa kaparehong dahilan.

Ang Metro Manila, sa kabilang dako ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) pa rin.

Isinailalim naman ni Pangulong Duterte sa ilalim ng GCQ hanggang katapusan ng buwan ang mga lugar na Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Santiago City sa Region II; Aurora, Bataan, Bulacan, Tarlac, Olongapo City sa Region III; Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, at Occidental Mindoro sa Region IV-A para sa Luzon.

Para naman sa rehiyon ng Visayas, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Mandaue City, Lapu-Lapu City sa Region VII ay inilagay sa ilalim ng GCQ.

At para naman sa Mindanao, Davao City at Zamboanga City ang isinailalim sa GCQ.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay mananatili naman sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Hunyo 30, 2020. CHRISTIAN DALE

67

Related posts

Leave a Comment