KASADO na ang preparasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato para sa 2025 Midterm election.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na handa na rin ang kanilang election offices sa buong bansa para tumanggap ng COC mula Senador hanggang municipal Councilors.
Inilipat na rin ng komisyon ang ilan nilang tanggapan sa mas malaking lugar upang ma-accomodate ang mga kandidato dahil maliit lamang ang kanilang mga opisina.
Ayon sa Comelec, kapag kumpleto ang lahat ng isusumiteng dokumento ay maaaring tumagal lamang ng limang minuto ang paghahain ng COC ng mga kandidato.
Kaya paalala ni Garcia sa mga kandidato, siguruhing kumpleto ang lahat ng dokumentong isusumite upang walang abala.
Kabilang sa mga dokumento na dadalhin ng isang kandidato ang COC, dapat may documentary stamp, notaryado, kalakip ang certificate of nomination and acceptance kung kaanib ng isang political party ngunit kung wala naman ay dapat nitong ideklara sa COC na siya ay independent. (JOCELYN DOMENDEN)
84