CONG. ERIC YAP NANUMPA SA LAKAS-CMD

PORMAL nang nanumpa sina Benguet Rep. Eric Yap at Benguet Gov. Melchor Diclas bilang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD.

Mismong si Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa oath-taking ceremony ng dalawang opisyal kahapon.

Bunsod nito, umakyat na sa 103 ang mga kongresista na miyembro ng partido.

Sinabi ni Speaker Romualdez, ang pagdami ng miyembro ng partido ay nangangahulugan ng mas malawak na suporta para sa administrasyon ng Pangulong Marcos Jr.

Ani Speaker Romualdez, “Their leadership, experience, at commitment para magsilbi sa mamamayan ay sama-sama nilang isusulong para suportahan ang agenda at layunin ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. para isulong ang vision ng Bagong Pilipinas.

108

Related posts

Leave a Comment