CONSUMER NG MANILA WATER WALA PA RING TUBIG

manila water

WALA pa ring tubig na tutulo sa gripo ng mga consumer ng Manila Water, Linggo at sa mga darating na araw.

Sa Mandaluyong area ay apat na araw nang walang tubig at umaasa lamang sa rasyon ng bumbero na kadalasan ay hindi rin sapat ang dalang tubig.

Ito, ayon sa Manila Water, ay bunsod pa rin umano ng patuloy na pagbaba ng water level sa La Mesa Dam..

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Makati, Marikina, Pasig, Pateros, Taguig, Mandaluyong, San Juan at mga bayan sa Rizal.

Kung may katanungan o reklamo ng kawalan ng suplay ng tubig nang wala sa schedule, maaaring tawagan ang Manila Water sa kanilang hotline na 1627 o kaya nama’y magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page o mag-tweet sa @ManilaWaterPH.

 

6

Related posts

Leave a Comment