CONTINENTAL GAS CUP 2024 MAGSISIMULA NA SA JUNE 15

PARA mapalakas at mahasa ang mga kabataan sa sports, muling bubuksan ang Continental Gas Cup 2024 basketball tournament sa darating na Sabado (June 15).

Ang opening ceremony ay magsisimula ng alas-12:00 ng tanghali sa Rockville 1 Subdivision covered court, Barangay San Bartolome, Quezon City at dadaluhan ng actress at dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Maui Taylor at social media influencer na si boss Toyo.

Ayon sa ulat, ito na ang pinakamalaking liga sa Barangay San Bartolome na inorganisa nina Commissioner Ana Leah Francisco-Castro at Assistant Commissioner Jon Jon Francisco.

Kaugnay nito, maglalaban-laban ang nasa walumpung teams para masungkit ang kampeonato mula sa iba’t ibang dibisyon.

Kabilang na rito ang edad 40 pataas, 39 under, 17 yrs old under, 14 under at 12 yrs old under.

Samantala, noong nakaraang buwan ay mahigit dalawampu ang lumahok sa pagbubukas ng Continental Gas Cup 2024 volleyball tournament.

Ang paliga ay layong mas mapalakas at mahasa ang talento ng mga manlalaro pagdating sa paglalaro ng basketball at volleyball.

Nais din ng mga commissioner na may mapaglibangan ang mga kabataan at iba pang kalahok ngayong bakasyon at mailayo sila sa bisyo tulad ng droga. (PAOLO SANTOS)

34

Related posts

Leave a Comment