COVID-19 DEATH SA QC, 194

UMAKYAT na sa kabuuang 194 ang bilang ng mga nasasawi sa coronavirus disease 2019 sa lungsod ng Quezon matapos itong madagdagan ng dalawa noong isang linggo.

Samantalang ang mga nakarekober sa sakit ay mayroon nang 1,134.

Batay sa impormasyon ng QC Health Office, nadagdagan ng 51 ang bilang ng nakarekober sa lungsod sa nagdaang linggo.

Nadagdagan naman ng 82 ang mga nagpositibo sa virus kaya mayroon nang 2,376 COVID-19 positive cases sa lungsod.

Sa mga positibong kaso, 2,273 ang may kumpirmadong kumpletong address sa Quezon City habang 2,198 ang bilang ng na- validate na ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Samantala, 22,474 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 579 nitong Lunes.

Sa nasabing bilang, 331 ang fresh cases at 248 ang late cases. Walo naman ang nadagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 1,011 ang kabuuang bilang. TJ DELOS REYES

77

Related posts

Leave a Comment