COVID-19 SA QC, NASA 2K NA

BAGAMA’T nasa dalawang libong kaso na ang COVID-19 sa Quezon City, wala namang naiulat na pinakabagong kaso sa  loob ng 24-oras.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), hanggang Mayo 23, ang kabuung kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay nasa 2,000 katao na.

Ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso na may kumpletong addresses sa Quezon City ay nasa 1,822.

Nakapagtala naman ang QC Epidemiology and Surveillance Unit and District Health Office ng kabuuang bilang ng validated cases sa 1,634. Nasa 841 naman ang active COVID-19 cases sa siyudad.

Sa nasabi ring petsa, nakapagtala ng bagong sampung nakarekober na may kabuuang 624 ang bilang.

Nadagdagan naman ng tatlong bagong namatay na may kabuuang 169 ang bilang. (JOEL O. AMONGO)

73

Related posts

Leave a Comment