COVID DEATHS SA CALOOCAN: 116

UMABOT na sa 116 mula sa dating bilang na 109, dalawang araw ang makalipas, ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa Caloocan City.

Ayon sa Caloocan City Health Department, hanggang alas-5:00 ng hapon noong Hulyo 30, umabot na sa 2,378 ang nagpositibo sa COVID sa lungsod habang 1,526 ang gumaling.

Samantala, hindi bababa sa 70 curfew violators at gumagalang walang suot na face mask, ang dinampot ng pulisya.

Samantala, mahigpit ang tagubilin ni Mayor Oca Malapitan na palaging magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.

Hinimok din ng alkalde at ng pulisya ang lahat na tumalima sa mga ordinansa na para rin naman sa

kapakanan at kaligtasan ng lahat. (ALAIN AJERO)

85

Related posts

Leave a Comment