CSC PINAALALAHANAN 358K TAKERS NG AUG. 11 EXAM

IPINALABAS ng Civil Service Commission (CSC) ang listahan ng mga testing center at ipinaalala ang Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa buong bansa sa darating na Agosto 11.

Kaya hinikayat ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang 358,651 candidates na kumuha ng Professional o Subprofessional Level exams na rebisahin ang Examination Advisory 11, s. 2024 at i-access ang kanilang designated school sa pamamagitan ng Online Notice of School Assignment (ONSA) na available sa CSC website.

“The CSC, along with dedicated teachers and volunteer government employees, is all set to administer the CSE across 95 testing centers in 16 regions nationwide. All exam takers aiming for civil service eligibility are encouraged to familiarize themselves with their assigned testing venue and pay attention to all provided reminders. This will help maximize their chances of success and ensure the exam is conducted smoothly,” ayon kay Nograles.

Ang mga examinees ay pinaalalahanan na pumunta sa testing venue ng hindi lalampas sa alas-6:30 ng umaga o ‘as required by the CSC Regional/Field Offices.’

“The gates of testing venues will close to examinees at exactly 7:45 a.m. Those who will arrive late will not be admitted to take the exam.

The examination venues will strictly observe the “No ID, No Exam” policy. Examinees must present a valid ID card on examination day, preferably the same ID card presented during the filing of application. If the ID card is different from the ID card presented during the filing of the application, the examinee must present any of the accepted ID cards for the civil service exam,” ayon sa CSC.

Pinaalalahanan din ng CSC ang mga exam takers na hindi pinapayagn ang paggamit ng calculator sa CSE-PPT. Ipinagbabawal din ang paggamit ng anomang tulong para sagutan ang pagsusuri, gaya ng watch calculators, tablets, libro at iba pang materials o gadgets.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng test booklet sa labas ng testing room o venue. Hindi rin pinapayagan ang examinees na magdala ng electronic devices sa kanilang upuan gaya ng cellular phones, smartwatches, o iba pang gadgets na maaaring gamitin para kumuha ng audio o video recordings ng kahit na anumang bahagi ng test materials o exam process.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng anomang papel, bahagi ng katawan, damit o side margins at back page ng Answer Sheet para sa scratch work.

Pinayuhan din ang examinees na gumamit lamang ng ‘designated spaces’ sa pahina ng Test Booklet para sa anomang scratch work.

Gayundin, kailangan nilang gumamit ng transparent bags para sa kanilang mga gamit tulad ng black ballpen, at magsuot ng angkop na kasuotan sa examination day, mas mabuti ayon sa CSC ay ‘whole shirts o tops.’ Ipinagbabawal ang sleeveless shirts o blouses, shorts, tokong pants, ripped jeans, at tsinelas. Kailangan din na nakatali ang mahabang buhok. (CHRISTIAN DALE)

81

Related posts

Leave a Comment