CYBERCRIMES CASES SA PILIPINAS TUMAAS

LUMOBO ng 21.84% porsyento ang naitalang cybercrimes sa bansa sa unang quarter ng 2024, na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong 2023, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Lumabas sa datos na nakapagtala ang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ng 21.84% na pagtaas ng cybercrime cases sa bansa, na pinangungunahan ng online selling scams, credit card fraud at investment scams.

Ayon kay PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, ipinag-utos niya na paigtingin ng Pambansang Pulisya ang kampanya laban sa cybercrimes at maglalaan ng mas maraming resources upang mas mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagsugpo sa lumalaking banta ng cyber-related offenses.

Tinututukan ngayon ng tinaguriang cyber cops ang internet crimes habang pinalalakas din ng PNP ang kanilang awareness campaign upang maipabatid sa publiko ang mga modus ng sindikato para hindi sila mabiktima ng mga ito.

Hinihikayat din nito ang publiko na agad tumawag sa PNP kung nabiktima ng mga kawatan o mayroong concerns, sa PNP Hotline: 117 or 911, Anti-Cybercrime Group: (02) 414-1560 at PNP Internal Affairs Service: (02) 723-0401 to 20.

Maaaring maging sanhi ng pagtaas ng insidente ng cybercrimes ang pagtaas ng mga aktibidad sa online, mga sopistikadong taktika sa cybercrime at ang kawalan ng kamalayan ng publiko.

Kaugnay nito, sinabi ng ACG na palalakasin pa ang cyber patrol habang ang “cyber cops” ay nakatutok sa mga krimen sa internet.

Sinabi pa ni Gen. Rommel Marbil na papaigtingin pa ang kampanya laban sa cybercrimes sa pamamagitan ng paglalaan ng mas maraming resources, pwersa ng pulisya at pagpapahusay ng mga kakayahan upang labanan ang lumalaking banta ng cyber-related offenses. (JESSE KABEL RUIZ)

38

Related posts

Leave a Comment