DAILY SUBSISTENCE ALLOWANCE NG MGA SUNDALO ITATAAS NG HIGIT 100% – SPEAKER ROMUALDEZ

SIMULA sa susunod na taon ay makatatanggap na ang mga sundalo sa bansa ng mahigit 100 porsyentong pagtaas sa kanilang daily subsistence allowance.

Ito ang pagtiyak ni House Speaker Martin Romualdez sa kanyang pagdalo sa idinaos na House of Representatives-AFP Southern Luzon Command fellowship sa Camp Nakar sa Lucena City.

Sa nasabing okasyon, tiniyak ni Romualdez na, “Next year, expect to receive a higher daily subsistence allowance from your government. Mula P150 per day, dodoblehin natin ang daily subsistence allowance ninyo. Ang target natin, maitaas natin ito hanggang P350 per day.”

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan din ng mga lider ng Mababang Kapulungan kasama sina Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez, at Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, mga lokal na opisyal gaya nina Vice Gov. Anacleto Alcala III, SOLCOM chief Lt. Gen. Facundo Palafox IV, at iba pang opisyal ng militar.

Dagdag pa ng Speaker, alinsunod na rin ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pagtataas sa subsistence allowance ay mangangailangan ng P15 bilyong pondo na tiniyak ng lider ng Kamara na isasama sa panukalang 2025 national budget.

“Aabutin ng halos P15 bilyon ang kailangan para maibigay ang allowance na ito para sa lahat ng ating sundalo at miyembro ng Armed Forces. Pero bilang inyong Speaker, sisiguruhin ko na

mailalagay ang pondong ito sa 2025 National Budget na tinatalakay namin ngayon alinsunod sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos,” saad pa ng mambabatas.

Sinabi ni Speaker Romualdez na batid nito at ng iba pang lider ng Kamara ang sakripisyo ng mga sundalo at kanilang pamilya.

“Alam naming lahat ang paghihirap at sakripisyo ninyong lahat, gayundin ng inyong mga pamilya. Hindi man namin masuklian ang lahat ng ito sa ngayon, sisiguruhin ko ang tulong ng gobyerno para mabigyan ng ginhawa ang inyong pamumuhay,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez sa mga sundalo na inaprubahan na rin ng Kamara ang panukala upang matiyak na mayroong pondo ang pensyon system ng mga beterano at mga retiradong sundalo.

“Additionally, we are pushing for measures to provide quality healthcare and legal assistance for personnel in the lawful performance of their duties,” sabi pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Suportado rin umano ng Kamara ang AFP Modernization Program at ang pagpapaunlad ng kabuuang defense posture ng bansa.

“We are also exploring resources to further strengthen archipelagic defense and international alliances in the face of modern-day security challenges,” sabi pa nito.

Kasabay nito ay nangako rin si Speaker Romualdez na lalagyan ng pondo ang mga lugar na naideklara ng communist insurgency-free.

“We in the House of Representatives are fully committed to supporting the peace-building efforts in recently cleared areas. To consolidate these gains, I will advocate for more infrastructure and barangay development projects, which are crucial for long-term stability,” saad pa nito.

Hinamon ni Speaker Romualdez ang mga lokal na opisyal, mula sa gobernador hanggang sa kapitan ng barangay, na tumulong upang mapanatili ang kapayapaan at hindi bumalik ang rebelyon sa kanilang lugar.

“Rest assured, I will explore legislative measures to support this objective and exert efforts to convince our local executives in joining us for a whole-of-government approach in securing peace for our homeland,” wika pa nito.

Sinabi ng lider ng Kamara na kinikilala nito ang paghihirap at sakripisyo ng mga sundalo sa pagtatanggol ng pambansang soberanya.

“Sa mga okasyong ito, naipapaabot namin – sampu ng mga kapwa nating Pilipino – ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyo sa lahat ng inyong mga sakripisyo. Mga sakripisyong ginagawa ninyo para bantayan at siguruhin ang pambansang seguridad at soberanya,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang operational achievement ng SOLCOM sa ilalim ng pamumuno ni Lieutenant General Palafox.

“Your success in neutralizing communist terrorists, dismantling guerrilla fronts, and capturing firearms from the enemy is a testament to your dedication and bravery. The surrender of NPA regulars, along with hundreds of supporters withdrawing from the CPP, shows that peace is achievable with perseverance and strategic coordination,” sabi pa nito.

Sinabi nito na ang SOLCOM ay hindi lamang sangkot sa paglaban sa paghihimagsik kundi maging sa pagpapatrolya sa mahigit 15,000 nautical mile at pagbabantay sa libu-libong sasakyang pandagat na pumapasok sa hurisdiksyon ng bansa.

“These actions strengthen our resolve in asserting sovereignty over Philippine waters,” giit pa nito.

Nangako si Speaker Romualdez sa SOLCOM na maghahanap ito ng dagdag na pondo upang matapos ang kanilang ipinatatayong imprastraktura gaya ng administrative building at iba pang support facilities.

“Sa madaling salita po, huwag kayong mag-alala. Sagot po namin kayo sa House of Representatives! Sama-sama at buong tapang po nating harapin ang hamon ng pambansang soberenya tungo sa mas maunlad at makabagong Pilipinas,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

55

Related posts

Leave a Comment