ISINELDA ng mga tauhan ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, ang isang dating caretaker ng PNP-SAF, dahil sa pagpapaputok ng baril sa sa Ermita, Manila noong Martes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Clande Jr., 46, sinampahan ng kasong indiscriminate firing at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, habang ang kasama nitong si alyas “Cleo”, 50-anyos, ay sinampahan ng kasong obstruction of justice.
Ayon sa ulat ng Jorge Bocobo Police Community Precinct, sakop ng Police Station 5, bandang alas-9:55 ng gabi, habang nagpapatrolya ang mga barangay tanod, nang mamataan ang nag-uumpukang kalalakihan sa lugar at napag-alaman na nagpaputok ng baril ang suspek na si Clande.
Agad namang nagresponde ang mga miyembro ng Special Weapon and Tactics (SWAT) at dinis-armahan ang suspek.
Nakumpiska mula kay Clande ang isang Norinco caliber .45 na may dalawang bala.
Ayaw naman umanong magpadala sa presinto ang kasama nito para maimbestigahan, kaya sinampahan naman ito ng obstruction of justice. (RENE CRISOSTOMO)
46