(NI ROSE PULGAR)
NAKAALARMA na sa Land Transportation Office (LTO) ang plaka ng sasakyan ng mga motoristang may mga “unsettled violations”.
Ito ang babala kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Isumite sa LTO ang listahan ng mga motorista na hanggang ngayon ay hindi pa nagbabayad ng kanilang traffic fine.
Sinabi ng MMDA, ang lahat ng mga motostang may mga unsettled violations simula nitong Disyembre 2018 at nakaalarma na sa LTO.
Dahil dito hindi i-re-renew ng LTO ang vehicle registration ng mga motoristang may mga pending violations, maliban kung inisyuhan sila ng clearance ng MMDA.
Payo ng MMDA sa kanila, na dapat na nilang i-settle ang kanilang mga traffic violation para hindi sila magkaroon ng aberya pagdating nila sa LTO.
307