LUMIKHA ng ‘digital hotline’ ang gobyerno kasama ang Office of the Executive Secretary, Office of Civil Defense, Presidential Management Staff (PMS), Pag-asa, Office of the Presidential Communications Office, Appointment Secretary, Department of Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pag-aanunsyo ng suspensyon ng klase at trabaho, pampubliko man o pribado.
Sinabi ni PCO Sec. Cesar Chavez, tungkulin nito na bago mag-alas-4 ng umaga ay dapat may-anunsyo. Iyon ay kung kinakailangang magbigay ng anunsyo ang Office of the President (OP) bunsod na rin ng paminsan-minsang paglakas ng ulan sa bansa.
Sinabi pa rin niya na mayroong focal person mula sa Executive Secretary, mula sa PCO na dapat gumising ng alas-3:00 ng umaga para sa desisyon na dapat gawin.
“We will take the risk kapag nagsabi kami before 4 o’clock meron ng suspension ng klase, ng gobyerno or private kung saka-sakaling may gano’n man. We will take the risk kahit pag 9-11 o’clock ng umaga ay umaraw. We will take the risk,” ang paliwanag ni Chavez. (CHRISTIAN DALE)
24