DOJ KINALAMPAG SA ISYU NG LUPANG KINATITIRIKAN NG NU

PATULOY na kinakalampag ang Department of Justice ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng National University (NU) para desisyunan ang kanyang petisyon laban sa Board of Trustee.

Muling iginiit kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ng isang petitioner na resolbahin o tuldukan na ang usapin sa legalidad ng itinayong building.

Sa liham ng petitioner na si Peter Paul John Jhocson Gregorio kay Secretary Remulla, bago pa mag-lockdown ay naihain na niya sa DOJ ang petition for review ngunit apat na taon na ang nakalilipas wala pa rin siyang natatanggap na tugon.

Umapela ang petitioner na magpalabas ng hatol ang Manila City Prosecutor Office na pumapabor sa National University Incorporated hinggil ito sa usapin ng pagtatayo ng gusali sa lupang pag-aari ng kanilang pamilya.

Nauna nang inireklamo ng pamemeke ng mga dokumento ang board kung saan nagkaroon ng pirmahan sa deed of sale ngunit imposible aniya itong mangyari dahil pumanaw na ang sinasabing pumirma bago inilabas ang dokumento.

Ang dalawang pekeng kasulatan ay nairehistro sa Registry of Deeds Manila noong 2015 nang ilipat ang pagmamay-ari ng mga parsela ng lupa sa NU.

Bilang patunay ng pagnanakaw ng kamag-anak ng petitioner, isinumite niya ang isang death certificate bilang ebidensya at umaasang pakikinggan siya ng DOJ.

Samantala, duda ang petitioner kung bakit mabilis resolbahin ng City Prosecutor ng Maynila ang kasong isinampa niya laban sa mga respondent.

Sa nakalipas 4 na buwan mula August 2019, ibinasura ni Fiscal Felipe Magat ang kanyang petisyon at inaprubahan naman ito ni Deputy City Prosecutor Jessica Junsay-Ong.

November 2019 nang maghain siya ng motion for reconsideration ngunit ibinasura rin ito ni Senior Assistant City Prosecutor Francisco Solomon. (JULIET PACOT)

35

Related posts

Leave a Comment