DRIVER NAGBIGTI SA CLOSED VAN

0

PATAY na nang matagpuan ang isang 35-anyos na driver habang nakabigti gamit ang duyan sa loob ng closed van sa Balut, Tondo, Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktimang si John Rey Burdeos y Roisas, may asawa, tubong Agusan Del Sur at residente sa #510 Honorio Lopez Boulevard, Balut, Tondo.

Base ulat ni Det. Rodolfo Acosta III ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:20 ng madaling araw nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa Izusu closed van (CAA 3848) na nakaparada sa YM Cargo Transport Corporation sa H. Lopez Blvd. sa Balut, Tondo.

Ayon sa kasamahang driver na si Reniel Son Alcasoda, 34, nang magising siya ay nakita niya ang biktima na nakaluhod.

Ngunit nang Lapitan niya ay napansin niyang hindi na humihinga habang nakapulupot sa leeg nito ang duyan sa loob ng van.

Bago ang insidente, alas-9:00 ng gabi noong Abril 23, narinig na nakikipag-away ang biktima sa sa kanyang asawa sa cellphone.

Selos ang isa sa mga anggulong binubusisi ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Sinasabing bago ang insidente ay nakipagtalo ang biktima sa kanyang misis sa cellphone makaraang madiskubreng may ibang lalaki umano ang ginang. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment