“EAT BULAGA!” TRADEMARK PAGMAMAY-ARI NG TAPE INC. HANGGANG 2033

NAGLABAS na ang Bureau of Trademarks sa ilalim ng Intellectual Property of the Philippines (IPOPHL) ng Certificate of Renewal of Registration sa production company na Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) para sa “Eat Bulaga!” trademark.

“TAPE Inc. renewed its registration and we are happy na na-issue na ang Certificate of Renewal which makes TAPE Inc. the continuous owner of the name Eat Bulaga! and EB and its logos until 2033,” ibinahagi ni Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ng TAPE Inc.

“Importante ito kasi kumbaga sa lupa, ang Certificate of Registration and in this case, the Certificate of Renewal of TAPE Inc., ay ang titulo to prove its ownership over the trademark Eat Bulaga!” dagdag pa niya.

Ayon sa certificate ng IPOPHL, ang trademark at tradename ay unang nairehistro noong Hunyo 14, 2013 at na-renew noong Hunyo 14, 2023. Ini-renew muli ito nang dagdag na 10 taon o hanggang Hunyo 14, 2033.

“Marami kasi ang nagsasabi na since nag-expire ang registration ng TAPE Inc. sa Eat Bulaga! trademark, free for all na ito. This is not true,” paliwanag ni Garduque.

Higit pa rito, ang TAPE Inc. ay binigyan ng ownership sa classes 16, 18, 21, at 25 para sa merchandise na may trademark ng EB.

Ayon sa website ng IPOPHL, ang trademark ay isang salita, grupo ng mga salita, logo, simbolo, o kumbinasyon ng mga ito na nagsisilbing palatandaan para sa mga produkto o mga serbisyo.

Ang registration ng trademark ay nagbibigay sa may-ari ng “exclusive rights” sa paggamit ng trademark upang pigilan ang iba sa pagsasamantala sa trademark sa anumang paraan.

307

Related posts

Leave a Comment