EDSA PINAIIWASAN SA MOTORISTA SA PAGBUBUKAS NG SEA GAMES

mmda

(NI LYSSA VILLAROMAN)

INABISUHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng motorista na iwasan ang EDSA mula 12:00 ng tanghali hangang 5 ng hapon sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay MMDA EDSA traffic czar, Bong Nebrija, inaasahan na nila ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga naturang oras dahil sa isasagawa nilang stop-and-go scheme upang bigyan ng prayoridad ang mga bus na magdadala sa mga atleta sa Philippine Arena sa Bocuae, Bulacan.

Ang mga bus ng mga delagado ay dadaan sa yellow lane dahil ang request para sa special lane kagaya noong ASEAN summit ay huli na ng isinumite.

“From 12 noon up to 5 in the afternoon, ‘yan po ‘yung window hours na we will be expecting different convoys that will start passing through EDSA… Kung pupuwede ang pakiusap po namin sa ating mga kababayan na iwasan po ang northbound ng EDSA,” ayon kay Nebrija .

Nagbigay din ng babala ang MMDA sa mga private vehicles na huwag sumunod sa mga bus ng mag delegado dahil sila ay huhulihin.

“’Wag susunod sa convoy dahil kung hindi po kayo part ng convoy at nahuli po kayo patatabihin po kayo at lalo lang po kayo made-delay,”  ani Nebrija.

Ang mga manonood naman ng SEA games ay inabisuhan din ni Nebrija na sumakay sa mga accredited na buses papunta sa venue ng SEA games.

Sinabi pa ni Nebrija na maaga pa lamang bago mag-12:00 ng tanghali ay magsisimula na ang mga accredited na buses ay magsasakay na papuntang Philippine Area na magmumula sa Trinoma Mall, sa Parañaque Integrated Terminal Exchange, SM Mall of Asia at Ayala Clover Leaf.

470

Related posts

Leave a Comment