EMERGENCY RESPONSE DEPARTMENT IPINATATAYO

MULING nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano na magtatag ng isang Emergency Response Department (ERD) upang protektahan ang bansa mula sa mga panganib na dulot ng mga geologic hazard at iba pang banta ng klima.

Ito anya ang tugon sa kasalukuyang volcanic smog mula sa Bulkang Taal.

Kasunod ito ng ulat mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na naglabas ang Bulkang Taal ng 3,355 toneladang sulfur dioxide.

Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nangangahulugang may mga posibleng panganib ito tulad ng steam explosions, mahihinang lindol, bahagyang pag-ulan ng abo, at paglabas ng volcanic gases.

Sumasalamin ang ERD Act (Senate Bill No.66) sa patuloy na pagsusumikap ni Cayetano na isulong ang mga hakbang ng gobyerno para mapabuti ang kakayahan ng bansa sa pagharap sa mga sakuna.

Sinabi ni Cayetano na hindi man maiiwasan ang kalamidad ay mapapalakas naman natin ang ating kaalaman, pagsasanay at karapatan sa imprastraktura para makaagapay sa anomang kaganapan. (DANG SAMSON-GARCIA)

44

Related posts

Leave a Comment