ENERGY SUMMIT HIRIT NG NGO SA GOBYERNO

SINA ILAW National Convenor, Agnes “Beng” Garcia at Youth Convenor Francine Pradez sa pulong balitaan sa Lungsod ng Maynila. (DANNY BACOLOD)

NANANAWAGAN ang isang non-government organization sa pamahalaan na bumalangkas ng national energy roadmap na may malinaw na hangarin at pamamaraan upang malutas ang suliranin sa kawalan ng sapat na supply ng elektrisidad.

Ang panawagan ng grupong ILAW ay dahil sa negatibong resulta sa negosyo ng pagkawala ng daloy ng elektrisidad sa tatlong pangunahing lungsod sa bansa na madalas dumanas ng brownouts na isinailalim sa kanilang pag-aaral.

Hiniling ng ILAW sa pamahalaan na maging kaakibat ng roadmap ang pagsasagawa ng nationwide energy summit na lalahukan ng mga stakeholders gaya ng electric cooperative, mga negosyante, LGUs na tatalakay sa mga solusyon sa pagkawala ng supply ng kuryente.

Hinikayat din ng ILAW ang pamahalaan na magtatag ng task force on energy na kabibilangan ng lahat ng energy sector na agad tutugon sa panahon nang kawalan ng kuryente.

Ang pahayag ng grupong ILAW ay kasunod ng resulta ng kanilang pag-aaral patungkol sa malalang dulot ng brownouts sa Puerto Princesa City, Baguio City at Tagum City kung saan nalulugi ang maliliit at maging ang malalaking negosyo hanggang sa magsara at mawalan ng trabaho ang mga trabahador.

Naniniwala ang ILAW na may magagawa pa upang lutasin ang problema sa brownouts sa pamamagitan ng whole of government approach o pagsasama ng lahat ng stakeholders. (DANNY BACOLOD)

25

Related posts

Leave a Comment