ERICE HINDI PA AALISIN SA BALOTA NG COMELEC

MANANATILI pa rin sa balota ang pangalan ni dating representative Edgar Erice bilang kandidato ng ikalawang distrito ng Caloocan City.

Ginawa ni Comelec Chair George Garcia ang paglilinaw kasunod ng desisyon ng Comelec 2nd division sa diskwalipikasyon ng mambabatas.

Ayon kay Garcia, hindi pa naman final and executory ang desisyon ng Comelec na nagdi-disqualify kay Erice bilang kandidatong Kinatawan ng Lungsod.

Sinabi ni Garcia na maaari pang umapela ang mambabatas at hangga’t hindi pa final and executory ang nasabing desisyon ay mananatili pa ring kandidato si Erice.

Kahapon, tuluyan ng dinisqualify ang dating mambabatas dahil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa ginawang bidding ng Comelec para sa 2025 mid-term election.

Dumistansya naman si Garcia sa En Banc upang hindi maakusahan na kanyang iniimpluwensyahan ang nasabing kaso.(JOCELYN DOMENDEN)

32

Related posts

Leave a Comment