ESKWELA, TRABAHO SUSPENDIDO SA MAYNILA SA ARAW NG TRASLACION

Traslacion by Kin Lucas

PANSAMANTALANG sinuspinde ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang klase sa lahat ng antas gayundin ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno sa lungsod sa Enero 9 kaugnay sa Traslacion 2020, na dinadaluhan ng milyun-milyong deboto ng Itim na Nazareno.

Sa Executive Order No. 2 na nilagdaan ng alkalde, sinuspinde rin ang trabaho sa lahat ng departamento, tanggapan at kawanihan sa Manila City government.

Hindi naman kasama rito ang mga empleyado na ang trabaho ay may kinalaman sa peace and order, public services, traffic enforcement, disaster risk reduction and management at sanitasyon.

Samantala, ipinauubaya naman ng alkalde ang suspensiyon sa trabaho sa mga national government office at mga pribadong kumpanya sa diskresyon ng kanilang pamunuan at heads of office.

Inaasahan ng mga awtoridad na aabot sa tatlong milyong deboto ang makikiisa sa Traslacion na isa sa mga pinakamatandang ritwal o tradisyon ng Pinoy na Katoliko. (RENE CRISOSTOMO)

110

Related posts

Leave a Comment