EX-ARMY CAPTAIN, 2 PA  HULI SA P50-M EXTORTION

fake55

(NI HARVEY PEREZ)

NASAKOTE ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang tatlong lalaki, kabilang ang dalawang dating sundalo, nang tangkaing kikilan ng may P50 milyon  ang  Chinese national , operator ng online gambling, sa Taguig City.

Sinampahan ng patung- patong na kaso ng NBI-Special Action Unit ang mga suspek na sina Mark Steven Mediamar, na dating Army captain;  Rustico Samarinta, dating sundalo at Antonio Monte de Ramos. Jr., driver na naaresto sa Arya Tower II, Bonifacio Avenue, BGC, Taguig City, noong Hulyo 11 ng gabi matapos ang entrapment operation.

Sinabi  NBI Deputy Director Vicente De Guzman, humingi umano ng tulong ang biktima sa NBI matapos na siya ay hingan ng P50 milyon at nagbanta pa na ipasasara ang kanyang 10 online gambling establishment kung hindi magbibigay.

Sa kabila na may  permit sa gobyerno at awtorisado  ang online gambling operation ng biktima pero ipinipilit ng mga suspek na wala itong permit at mag -aapply umano  sila ng search warrant sa korte para ito maipasara kung hindi magbabayad ng P50 milyon ang suspek.

Kaagad na ikinasa ng NBI ang entrapment operation sa nabanggit na lugar at naaresto ang mga suspek.
Nakumpiska ng NBI  kay Mediamar at Samarinta ang isang granada at armas, habang nakuha naman kay Monte de Ramos ang tatlong sachet na shabu.

Nahaharap sa kasong  Robbery Extortion, Illegal possession of fire arms, Illegal possession of explosive, Usurpation of authority at Illegal possesion of Dangerous Drug sa Taguig Prosecutor ang mga suspek.

161

Related posts

Leave a Comment