EX-MAYOR JOSEPH ESTRADA KAKASUHAN NG DILG

erap33

(NI JESSE KABEL)

KAKASUHAN ng Department of Interior and Local Government si dating Manila mayor Joseph Estrada.

Ito ang inihayag ngayong Biyernes ng pamunuan ng DILG oras na mapatunayan nilang nilabag ng natalong re-electionist mayor Joseph Estrada ang DILG circular.

Sa ginanap na pulong balitaan, inihayag ni   DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa kabiguan umano ng kampo ni Estrada na magsagawa ng official turnover ng mga dokumento sa kasalukuyang adminsitrasyoion ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso .

Mariing inihayag ni Malaya na responsibilidad ng dating mayor na mag-organisa ng transition team para sa outgoing mayor na pormal na isalin ang mga dokumento sa incoming mayor, ani Malaya.

“If it is proven that there was negligence on  the part of Mayor Estrada to turn over the documents in accordance with the memorandum circular issued by the Interior Secretary Eduardo Ano, we may also consider filing charges against the former mayor,” ani Malaya.

 

309

Related posts

Leave a Comment