ARESTADO ang isa sa dalawang lalaking nanloob umano sa extension office ni Vice President Sara Duterte sa Mel Lopez Boulevard, Vitas, Tondo, Manila
Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Fuentes, 26, at Michael Ronda, 44, nahaharap sa kasong paglabag sa Article 302 ng Revised Penal Code (Robbery in Uninhabited Place).
Base sa ulat ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang madiskubreng niransak ang mga gamit ng Vice President.
Sa ikinasang follow-up operation ng pulisya, tanging si Ronda lamang ang natimbog ng mga tauhan ng MPD. (RENE CRISOSTOMO)
52