PATAY ang isang 25-anyos na field marshal makaraang mabiktima ng hit and run habang lulan ng motorsiklo sa Velasquez St., Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang si Christian Darren Isla ng Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo.
Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na driver ng closed van.
Ayon sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Unit ng MDTEU, bandang alas-5:10 ng madaling araw nang masagi ng closed van ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa southbound lane ng Velasquez Street naging dahilan upang sumemplang ang huli na ikinamatay nito makaraang magulungan ng nasabing sasakyan. (RENE CRISOSTOMO)
