UNTI-UNTI nang tinutupad ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang mga adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa paglago ng ekonomiya at sa transportasyon sa bansa.
Sa ginanap na Transport and Logistics Forum 2024, ibinida ni PRA Chairman Alex Lopez ang kauna-unahang Monorail system at reclamation project sa Manila Bay partikular sa lungsod ng Pasay na inaasahang magiging bagong tahanan ng nasa mahigit dalawampung hotels at iba pang commercials establishments.
Ayon pa kay Lopez, dito rin itatayo ang magiging opisina ng PRA at ang sinasabing legacy infra project ng Marcos administration na international convention center na mahigit doble ang laki sa PICC at SMX Convention Center.
Ayon kay Lopez, tinagurian ang PRA bilang “Poverty Reduction Advocates”, para sa kapakanan ng mga Pilipino, partikular na ang mga maralita at marginalized sector.
Ibinahagi rin niya ang kongkretong mga hakbang ng PRA patungo sa pagbuo ng susunod na henerasyon ng transport infrastructure sa Pilipinas. (JOCELYN DOMENDEN)
40