(SINABAYAN si Brian Poe ng mga kabataang estudyante na sumenyas ng numero tres, ang opisyal na pagkahanay sa balota ng FPJ Panday Bayanihan partylist.)
WALANG humpay ang FPJ Panday Bayanihan partylist sa pagtugon sa mga pamayanan hindi lang sa pagsuporta sa mga biktima ng kalamidad kundi maging sa legal at teknikal na pagtulong at pag-agapay sa kabataang mag-aaral.
“Sa nakalipas na linggo at hanggang sa mga sumandali ay patuloy na inaagapayan ng FPJ Panday Bayanihan partylist na makabangon ang ating mga kababayan na biktima ng pananalasa ng malalakas na bagyo, lahad ni Dr. Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng naturang partylist.
Ayon kay Brian Poe, aktibong kumikilos ang FPJ Bayanihan volunteers sa paghahatid ng tulong sa mga kababayan sa Bicol Region, Camarines Sur at lalawigan ng Batangas na dumanas ng paghagupit ng dalawang bagyong Kristine at Pepito.
Ipinabatid ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang rehiyong Bicol ang may pinakamataas na bilang ng mga naapektuhan sa 1,906,994. Isa na ang Bicol sa pinakamalalang rehiyon na sinalanta ng bagyo.
Bukod sa mga food packs na inilaan para sa mga biktima ng sakuna ay patuloy rin ang lingguhang FREE Legal Assistance na ginaganap tuwing Biyernes ng umaga sa tanggapan ng Legal Aid Society of the Philippines nasa Patio Pilar, E. Reyes Street, Ermita, Manila.
Sa mga nangangailangan ng tulong legal ay makipag-ugnayan lamang sa Facebook page ng FPJ Panday Bayanihan para sa libreng konsultasyon.
Dinaluhan ni Brian Poe ang pagpapaabot ng tulong pambaon at pangmatrikula na kaloob FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mga kabataang estudyante sa San Carlos City, Pangasinan.
“Mahigit isang dekada na tayong tumutulong sa ating mga kababayang nangangailangan, hinding-hindi tayo mapapagod sa pagtulong,” ani Brian Poe.
Ang FPJ Panday Bayanihan partylist ay itinatag ni Dr. Brian Poe noong 2013 upang ipagpatuloy ang mga adhikain ng yumaong lolo nitong si Fernando Poe Jr., tinaguriang Da King o Hari ng Pelikulang Pilipino.
Katuwang ni Brian Poe ang kanyang inang si Senator Grace Poe sa pagpapatuloy ng adbokasiya ng ama ng senadora na si Fernando Poe Jr.
36