FUN RUN FOR TATAY

Libu-libong Las Piñeros ang sumali sa unang Fun “Farm” Run with Group Sing and Dance Competition, ngayong Linggo, June 30 sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City.

Ang kaganapan ay isang post Father’s Day celebration na inorganisa ng Villar Foundation sa pangunguna ni Senator Cynthia Villar kasama ang anak na si Deputy speaker Camille Villar.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Senador Villar ang tungkulin ng mga ama bilang mga haligi ng tahanan na araw-araw nagsusumikap upang matiyak na ang pamilya ay may magandang kinabukasan, lalo na ang mga anak. (DANNY BACOLOD)

37

Related posts

Leave a Comment