GARBAGE COLLECTOR PINATAHIMIK SA BALA

PATAY sa tama ng bala ang isang 40-anyos na garbage collector matapos ratratin ng isa sa dalawang hinihinalang hitman sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Jose Dennis Dazer, ng Bldg.2, Aroma Compound, Brgy.105, Zone 8 sa Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang pamamaril sa Bldg. 2 sa Aroma Compound sa Tondo.

Ayon kay Det. Rodolfo Acosta, may kaugnayan sa ilegal na droga ang motibo ng pagpatay at hinihinalang hitman ang dalawang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

75

Related posts

Leave a Comment