GINANG, KASABWAT TIMBOG SA P2-M SHABU

UMABOT sa halagang P2 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa isang ginang habang arestado rin ang hinihinalang kasabwat nito sa transaksyon sa ilegal na droga sa inilatag na buy-bust operation sa Madre Ignacia Street, malapit sa Quirino Avenue, Malate, Manila noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Caironisah Esmael, may asawa, jobless, ng Barangay 648, San Miguel, Manila.

Swak din sa selda ang umano’y kasabwat nitong si Abul Panandigan, 32, binata ng nasabi ring lugar.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Malate Police Station 9, ikinasa ang operasyon bandang alas-11:05 ng gabi sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)

36

Related posts

Leave a Comment