GRAB NA MAY POL ADS BAWAL

grab

(NI ABBY MENDOZA)

HINIMOK ng Grab Philippines ang publiko na ireport sa kanila ang mga masasakyang Grab car na mayroong mga political ads sa kanilang sasakyan.

Ang aksyon ng Grab Philippines ay kasunud na rin ng natanggap na impormasyon na may ilang mga sasakyan ay may mga malalaking stickers ng mga kandidato sa kanilang sasakyan na tila nag eendorso.

Ayon kay Grab Philippines Public Affairs Head Leo Gonzales, bagamat nirerespeto nila ang opinyon ng mga driver kung sino ang kanilang kandidato sa nalalapit na eleksyon ay hindi naman nila pinapayagan ang mga political campaign advertisements sa mga sasakyan.

“Grab Philippines does not allow this. Grab is a non-partisan company and does not in any way support this form of political promotion. While we respect our driver-partners’ political preferences, we reserve the right to take corresponding actions to any violation of our company policies,” paliwanag ni Gonzales.

Nais ng Grab na ireport ng publiko ang mga Grab vehicles na may mga political ads.

“We request the public to reach out to us for any sightings of these vehicles. You may reach us at our hotline ‎02 883 7107,” ayon kay Gonzales.

217

Related posts

Leave a Comment