GSIS MAGBIBIGAY NG LOAN SA MIYEMBRONG BIKTIMA NI ‘ENTENG’

INANUNSYO ng state workers’ pension fund Government Service Insurance System (GSIS) na magbibigay ito ng emergency loans sa mga miyembro at pensioners nito sa mga lugar na apektado ng Bagyong Enteng.

Sa isang kalatas sinabi ng GSIS na ang emergency loan para sa Enteng-hit members at pensioners ay kagyat na sisimulan sa mga lugar na deklaradong nasa ilalim ng state of calamity kasunod ng kamakailan lamang na weather disturbance.

Sinabi pa rin ng GSIS na ang emergency loan para sa Enteng-affected members at pensioners ay ikakasa sa nagpapatuloy na emergency loan program, na anito’y gumagana sa ilang calamity-declared areas sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“To qualify for the emergency loan, active members must reside or work in a calamity-declared area, not be on unpaid leave, have no pending administrative or legal cases, have no due and demandable loan, and have made at least six monthly premium payments prior to applying,” ayon sa GSIS.

Dapat namang tiyakin ng old-age at disability pensioners na nananatili ang kanilang net monthly pension sa 25% matapos bawasin o iawas ang loan amortization. (CHRISTIAN DALE)

19

Related posts

Leave a Comment