Gulangan sa pagkukumpuni ng nasirang bahay PEDICAB DRIVER, TINAGA NG STEPFATHER

0

AGAW-BUHAY ang isang pedicab driver nang halihawin ng itak ng kanyang stepfather na buko vendor matapos magturuan kung sino sa kanila ang dapat magkumpuni ng nasira nilang bahay noong Martes ng gabi sa Malabon City.

Binigyan ng 50-50 tsansang mabuhay sa Tondo Medical Center dahil sa taga sa ulo at katawan si Marcelino Austria, 63, ng Bronze St., Brgy. Tugatog, habang arestado naman ang suspek na si Eduardo Aguilar, 72, ng nasabi ring address.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-7:40 ng gabi nang magkasagutan ang dalawa hinggil sa kung sino ang dapat magkumpuni ng nasira nilang bahay.

Sa gitna ng palitan ng maaanghang na salita ay kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima na bagama’t sugatan ay nakatakas at nakahingi ng tulong.

Itinakbo ang biktima sa naturang pagamutan ng kanyang kapatid na si Malou Austria habang nadakip naman ang suspek. (ALAIN AJERO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment