(PHOTO BY KIER CRUZ)
MAGIGING maulan ang weekend sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng hanging habagat na makaaapekto sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.
Sinabi ng Pagasa Weather specialist Meno Mendoza na ang low-pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ay nakapagpapalakas sa southwest monsoon.
Ang LPA na posibleng maging bagyo sa susunod na mga araw ay namataan sa Juban, Sorsogon.
Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa Metro Manila, Mimaropa, Western Visayas, at lalawigan ng Zambales, Bataan, Batangas at Cavite.
Ang nalalabing lugar sa Luzon, Visayas at Zamboanga Peninsula ay makararanas ng maulap na papawirin na may pag-ulan. Ang localized thunderstorms ay makapagdudulot ng maulap na papawirin sa Mindanao.
109