Hamon kay Mayor Vico: ‘TROLL ACTIVITIES’ NG EXEC ASSISTANT IPALIWANAG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico Sotto na magpaliwanag sa troll activities ng tanggapan ni City Administrator’s Executive Assistant, Maurice Mikkelsen Philippe Camposano.

Inakusahan si Camposano bilang operator ng troll army na nagsagawa ng propaganda attacks laban sa mga kalaban sa pulitika ni Sotto, mula pa noong 2019 at posibleng hanggang ngayon.

“Dapat magpaliwanag si Sotto sa mga Pasigueño. Dapat paharapin mo sa taong bayan `yang tao ninyo dahil marami sa aming Pasigueño ang nabıktıma niyan. Kung kailangan kasuhan si Camposano, dapat makasuhan. Huwag na huwag mo pa re-resign-in `yan! Sabi mo nga, taktika ng mga makalumang politiko yan, TRAPO na TRAPO at corrupt ang dating ng galawan kung resignation lang magiging parusa niyan. Hindi na papayag ang Pasigueño na ganyan na lang lagi and I will quote Mayor Vico, “Ang Tama, ay Tama; at ang Mali ay Mali!” diin ni Sia.

Kasabay nito, tinanong ni Sia na kung totoong may troll operations si Camposano ay sino ang nagpopondo nito.

“Madalas nating marinig si Sotto na galit daw sa troll. At sinasabi niya may resibo pa siya against sa mga `luma at maruming istilo ng pamumulitika’. `Yun pala may sarili siyang troll army sa bakuran ng city hall. May mga na-discover daw siya na trolls sa kaibigan niya. No wonder, sa 8th floor lang pala sila pare-parehong nag-o-opisina,” ayon kay Sia.

Ayon pa sa inilabas na press statement ni Sia, bago naitalaga sa magandang posisyon sa Pasig, in-operate umano ni Camposano ang ilang Facebook pages na bumanat sa mga kalaban ni Sotto at maging ang mga simpleng Pasigueno na nagsisimula nang magduda sa kanyang liderato.

May isang paper trail na malinaw na nagpakitang si Camposano ang nagbayad ng mga ads para sa smear campaign laban sa mga kritiko ni Sotto, ayon pa kay Sia.

“Executive assistant to the city administrator si Camposano, na directly reporting naman kay Sotto. Ayon sa kanyang ‘virtual staff.ph’ page, ang kanyang rate bilang content moderator ay $375.00 per hour or $30,000.00/month o approximately Php1.5M per month.

Ni hindi nga residente ng Pasig itong si Camposano pero trabaho niyang sirain ang reputasyon ng sinumang kukuwestiyon kay Sotto, kalaban man sa pulitika o simpleng mamamayan ng Pasig,” ayon kay Sia.

138

Related posts

Leave a Comment