HARASSMENT VS CHIEF SECURITY NG SC REKLAMO NG PWD

DISMAYADO ang isang person with disability (PWD) matapos umano siyang i-harass at pagbantaang hihilahin ng chief security ng Supreme Court nitong Martes ng umaga.

Sa panayam kay Monalie Dizon, 51, legal manager ng isang law firm, ikinagulat niya ang pagtrato sa kanya ng chief security na si Joery Gayanan sa loob mismo ng gusali ng SC kaugnay ng kanyang pina-follow-up na dokumento.

Ayon kay Dizon, nag-follow-up siya sa 3rd Division ng petisyon sa kaso na kanilang hawak subalit sinabihan siya ng isang alyas Tintin na wala pang resolution sa kanilang inihain na transfer of venue.

Dahil dito, minabuti ni Dizon na magtungo sa opisina ng isang SC Justice ngunit pinaalis siya ni Gayanan.

Nangatwiran si Dizon na PWD siya at hindi maaaring gumamit ng hagdan kaya itinuro ng isang security guard ang elevator.

Dito na siya muling sinabihan ni Gayanan ng: “pag hindi ka sumama sakin, hihilahin kita papuntang Security office”.

Sa puntong iyon, nangamba si Dizon na totohanin ni Gayanan ang banta.

Kinuwestiyon ni Dizon si Gayanan kung may pagkakamali o may ilegal siyang ginawa at hindi makatao ang trato nito sa kanya. Wala naman umanong tugon si Gayanan kundi paulit-ulit siyang pinaaalis.

Maging ang kasamahang security ni Gayanan ay nagulat umano sa inasal nito.

Samantala, lumilitaw na ang petition for transfer of venue na inaasikaso ni Dizon ay Abril 1 pa naaprubahan. Pabalik-balik umano siya sa 3rd Division subalit walang tugon sa kanilang petition.

91

Related posts

Leave a Comment