HELPER PATAY SA BF NG ANAK NA DALAGITA

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang isang 42-anyos na security guard na bumaril at nakapatay sa 57-anyos na helper makaraan ang mainitang pagtatalo hinggil sa relasyon ng suspek sa anak na dalagita ng biktima, sa Del Pan St., Tondo, Manila noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktimang si alyas “Isidro Jr.”, residente ng Delpan, Tondo, Manila.

Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek na kinilalang si Manny Fred Macawile, security guard, at residente ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-9:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa naturang lugar.

Nagtalo umano ang dalawa nang madiskubre ng biktima na nagkaroon ng relasyon ang kanyang anak na dalagita sa suspek noong 2021 hanggang 2022.

Hanggang sa bumunot umano ng baril ang suspek at dalawang beses na binaril ang biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas. (RENE CRISOSTOMO)

57

Related posts

Leave a Comment