HIGIT 100 LOCAL OFFICIALS MALALAGOT SA MANILA BAY REHAB

BASURA

(NI JEDI REYES)

MAGPAPALABAS ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa 107 lokal na opisyal para pagpaliwanagin sa polusyon ng Manila Bay.

Ayon kay Undersecretary Martin Diño, kabilang sa mga hinihingan ng paliwanag ay ang ilang alkalde at kapitan ng mga barangay.

Diin ng opisyal, sa nakalipas na maraming taon ay nabigo ang mga lokal na opisyal na mahigpit na ipatupad at bantayan ang implementasyon ng mga batas patungkol sa pagtatapon ng basura ng mga komunidad na nasa paligid ng Manila Bay.

Sinabi ni Diño na sa sandaling maipalabas na ang show cause order ay magkaka-alaman kung sinu-sino ang maaaring maharap sa demanda.

“Ngayon meron na kaming 107 na pagbibigyan ng show cause order. Ang kasunod niyan demanda na sa Ombudsman,” ani Diño.

Naniniwala ang opisyal na kung walang makukulong dahil sa paglabag sa mga batas patungkol sa kalikasan, mauuwi lamang sa wala ang pagsisikap na malinis ang Manila Bay.

“For the past 10 years ang nangyari dyan… monitoring, valuation, validation pagkatapos picture-taking. Kaya natutuwa ako nung sa amin ngayon monitoring saka prosecution,” dagdag nito.

370

Related posts

Leave a Comment