HIGIT 27K BARANGAY IDINEKLARANG DRUG-FREE

TINATAYANG 27,968 barangay ang nalinis na mula sa ilegal na droga.

Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos tukuyin ang report mula sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PCO, tinatayang P10.41 billion halaga ng narcotics ang nasabat o nakumpiska mula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon.

“That’s on top of 50 provinces, 1,160 municipalities, and 30 cities already have functional Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) already implementing anti-drug priorities at the local level,” ayon sa Malakanyang.

Idagdag pa rito, mayroong 74 established in-patient treatment at rehabilitation facilities ang nakatulong para tugunan ang drug menace.

Sinasabi pa rin na may 23 lalawigan, 447 munisipalidad, at 43 lungsod ang nagtatag ng kani-kanilang community-based drug rehabilitation programs (CBDRPs) para mas lalo pang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Matatandaang, matagal nang itinutulak ni Pangulong Marcos ang ‘whole-of-nation approach’ sa pagharap sa drug abuse, nagpapahiwatig na maaaring itong mauwi sa chronic illness at social issues kung maiiwan na hindi natutugunan at naaalis.

(CHRISTIAN DALE)

76

Related posts

Leave a Comment