HINILING ni Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng kautusan para sa mandatory regular at random testing sa manggagawa dahil sa pagtaas ng bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa pagawaan, opisina at pabrika.
Sa press conference via zoom meeting, sinabi ni Villanueva na hindi dapat i-test ang lahat ng manggagawa o dapat ay maya’t maya, bagkus regular at random ang pagsusuri sa mga ito.
“Ang nakikita natin sa workplace area na nagkakaroon ng spike o nai-infect ng COVID-19, we are calling the DOLE to issue an order na dapat maging mandatory ang random and regular testing ng ating workers,” aniya.
“Uulitin ko po, hindi ko po sinasabi na dapat lahat itest o dapat maya’t maya itest. I think key dito ang regular and random,” paliwanag pa niya.
“So siguro kung may 30 o 50 kayong manggagawa, lima tatlo sa isang linggo merong nate-test tayo and yung rapid testing will also a good baseline para malaman. There are two types of testing, yung una validation to find out whether he or she is infected,” ani Villanueva.
“Pangalawa, I think it is important right now, binanggit na natin noon na kailangan yung 2nd part ng testing yung epidemiological monitoring, epidemiological surveillance para malaman natin ang extent of the virus or infection doon sa workplace,” dagdag ng senador.
Aniya, ipinatutupad na ng ilang local government units ang ganitong programa upang matiyak na ligtas at hindi kumalat ang virus.
Samantala, sinabi ni Villanueva na dapat employer ang gagastos sa random at regular testing ng kanilang manggagawa dahil mas malulugi sila kapag nagsara o isinara ang pabrika o tanggapan kapag dumami ang nagpositibo sa kanila.
“I share your sentiment that we have to balanced it out. And I think it is in the interest of the companies, some are doing it right now, tine-test nila randomly, hindi lahat, once a week kung 3 o 4 sa atin for example dito sa chat group, tinetest, rapid testing lang and baseline para kung sakaling magpositive sila pwede na silang dalhin sa PCR testing,” aniya.
“Is it costly? I would also say na not so much, again it is more beneficial to businesses kesa ho pag biglang sumabog at dumami ang mahawa, talagang mararamdaman ng isang negosyo, hindi lang stoppage kundi talagang ang pagbagsak nito,” paliwanag pa ng senador.
“Hindi lang ang negosyo o lugar ng pagawaan kundi ang buong komunidad. And that’s why we are also asking the LGU to look into this and the importance of not just validating who among our people would test positive but also in ensuring that we are monitoring the situation,” ani Villanueva. (ESTONG REYES)
44