HOMICIDE SUSPECT SA BINONDO, NABITAG SA OBANDO

NADAKIP sa Obando, Bulacan noong Martes ng gabi ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, sa ikinasang “Oplan Pagtugis”, ang 44-anyos na tricycle driver na suspek sa kasong homicide sa Binondo, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, ang suspek na si alyas “Banhil”, 44, binata, residente ng Peñarubia Street, Binondo, Manila.

Inaresto ang suspek dakong alas-7:00 ng gabi sa nabanggit na lugar, makaraan ang 25 taong pagtatago gamit ang iba’t ibang pangalan, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Enrico A. Banzanas, ng Regional Trial Court Branch 7, ng Manila sa kasong homicide.

Walang inirekomendang pyansa ang korte hinggil sa kaso ng suspek. (RENE CRISOSTOMO)

33

Related posts

Leave a Comment