HPG TUTULONG SA MMDA VS TRAFFIC

(NI AMIHAN SABILLO)

HANDA ang Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) na magmando ng daloy ng trapiko katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), bago isabak sa Lunes.

Katunayan ay pinulong ni Brig. Gen. Eliseo Cruz, hepe ng HPG, ang mahigit 50 sa 100 MMDA enforcer na makakasama nila sa pagsasaayos ng trapiko mula Timog Avenue hanggang Ortigas,  kung saan pupuwesto ang HPG at MMDA sa critical points ng EDSA.

Ayon kay Cruz, ang MMDA ang mangangasiwa sa paniniket ng mga pasaway na motorista at HPG naman ang tutugon sa krimen sa kalsada at mga carnap na sasakyan.

Sinabi pa ni Cruz, maliban sa volume ng mga sasakyan, malaking dahilan kung bakit kilo-kilometro ang trapiko sa EDSA ay ang kakulangan sa disiplina ng mga driver.

Kaya naman ipinapangako nila na pag-iibayuhin nila ang law enforcement para mabawasan ang travel time ngayong Ber months.

Maliban sa EDSA, ang ilang MMDA personnel sa ilalim ng pamumuno ni EDSA traffic head Bong Nebrija ay babantayan naman ang trapiko mula EDSA-Timog Avenue hanggang Balintawak at Ortigas hanggang Makati City.

 

263

Related posts

Leave a Comment