IKALAWANG BIRD FAIR GINANAP SA LAS PIÑAS

PINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia Villar, kasama sina Andrew Sebastian mula sa Malaysia, Michael Lu ng Pilipinas, at Victor Yu ng Taiwan (Founders at Execom Members), ang anibersaryo ng Wild Bird Club of the Philippines at paglulunsad ng 13th Asian Bird Fair sa Villar Sipag Hall sa Las Piñas City nitong July 6.

Ito ang ikalawang beses na ginanap ang Asian Bird Fair sa Pilipinas.

Ang pinakaunang Asian Bird Fair ay ginanap sa Davao noong 2015 na dinaluhan ng libu-libong mahihilig sa ibon at tagapagtaguyod ng kapaligiran mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Buo ang suporta ni Senator Villar sa ganitong aktibidad dahil ito ay nagtataguyod ng conservation at preservation awareness sa ating mga hayop at katutubong halaman, na kasama sa kanilang mga adbokasiya. (DANNY BACOLOD)

42

Related posts

Leave a Comment