ILLEGAL RECRUITER NAKORNER, 5 BIKTIMA NASAGIP

INARESTO ng mga tauhan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang hinihinalang illegal recruiter at nasagip ang limang biktima nito, habang pasakay sa kanilang flight papuntang Malaysia at Singapore.

Ayon sa report, nagkunwaring mga turista ang mga ito, ngunit pagdating sa secondary inspection, nadiskubre na magtatrabaho ang mga ito bilang massage therapist, entertainer, tutor at caregiver sa naturang mga bansa.

Sa ilalim ng IACAT, ipinagbabawal na ilantad sa publiko ang pangalan ng mga biktima upang maprotektahan ang kanilang kapakanan at pamilya sa kahihiyang sinapit ng kanilang kaanak sa kamay ng mapagsamantalang illegal recruiters.

Kasalukuyang inihahanda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong qualified trafficking in persons laban sa illegal recruiter, dahil sa paglabag sa RA 9208, as amended, illegal recruitment committed by syndicate and in large scale sa ilalim ng RA 8042 as amended, at estafa sa ilalim ng Art. 315 par. 2 (a) ng Revised Penal Code of the Philippines.

(FROILAN MORALLOS)

41

Related posts

Leave a Comment