IMPRENTA NG PEKENG TAX STAMPS SINALAKAY

nbi bir12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

AABOT sa P245 milyon ang nawawala sa kaban ng pamahalaan kada taon dahil sa mga huwad na tax stamps na ginagawa ng isang imprentang sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lungsod ng Malabon.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ang naturang halaga ay batay sa presyo ng tax stamp na  P35 bawat isa, walong oras kada araw at limang araw kada linggong operasyon ng nasabing imprenta.

Bukod sa pekeng tax stamps ay gumagagawa rin ng mga huwad na labels ang nasabing imprenta.

Patuloy sa paghihigpit ang pamahalaan laban sa huwad na tax stamps upang makakolekta ng buwis at inihalimbawa nito ang nangyari sa Mighty Corporation, na bukod sa gumagamit ng pekeng tax stamps ay hindi pa nagbabayad ng excise taxes.

Nakakolekta ang pamahalaan ng higit sa P30 bilyon noong 2018 mula sa nasabing kompanya na nabili na ng Japan Tobacco Inc.

180

Related posts

Leave a Comment