INABUTAN NG KAMATAYAN SA PAMAMALIMOS

BINAWIAN ng buhay habang namamalimos ang isang 40-anyos na may kapansanan makaraang mawalan ng malay sa Taft Avenue sa Malate, Manila, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang biktimang si Noel Ignacio, residente ng #2018 Anak Bayan St., Paco, Manila.

Base sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bandang umaga noong Mayo 7 nang bigla na lamang bumagsak ang biktima habang namamalimos sa panulukan ng Taft Avenue at Pres. Quirino Avenue sa Malate.

Ayon kay Nora Ignacio, kapatid ng biktima, kapwa sila namamalimos sa lugar nang biglang himatayin si Noel.

Tumanggi naman ang ama ng biktima na si Emerito na paimbestigahan sa pulisya ang pagkamatay ng anak sa paniniwalang walang nangyaring foul play at sakit ang ikinamatay ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)

73

Related posts

Leave a Comment