INDIAN NATIONAL HULI SA OVERPRICED SCANNER

0

BINITBIT ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Manila, ang isang 31-anyos na Indian national makaraang mabuking sa overpricing at hoarding ng thermal scanner sa Sta. Cruz, Manila, iniulat kahapon.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7581 (Price Act) as amended by RA 10623 and RA 7394  Consumer Act of the Philippines), Article 14 of the RPC (Aggravating Circumstances),  DTI  Memorandum Circular No. 20-07 “Anti-Hoarding and  Anti-Panic Buying” at Proclamation No. 922 of PRRD, ang suspek na si Mukesh  Chandwani, account manager at  residente ng  #9 Indigo St., Stella Maris, Pasig City.

Batay sa ulat ng CIDG -Manila, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa overpricing ng thermal scanner ng ALT Hospital and Medical Supplies sa 1463 Rizal Avenue sa panulukan ng Alvarez St. sa Sta. Cruz.

Agad nagsagawa ng buy-bust operation ang CIDG kasama ang mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 at Department of Trade and Industry (DTI) bandang alas- 12:50 ng hapon.

Pagkaraan ay mabilis na dinakma ng mga awtoridad ang suspek nang abutin nito ang bayad sa thermal scanner na P5,000 ang halaga gayong P3,400 lamang ang suggested retail price ng DTI. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment