HINDI direktang kinumpirma o itinanggi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines kung kusang sumuko si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippine (ISAFP).
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, “The Armed Forces of the Philippines (AFP) has been in full support of the Philippine National Police (PNP) from the onset of the operation related to the case of Mr. Apollo Quiboloy. Our role in this matter has been purely in support of the PNP’s efforts in serving the warrant. As this is primarily a police operation, we defer to the PNP to provide the details and updates on the situation. The AFP remains committed to assisting our law enforcement agencies in maintaining peace and order whenever necessary.”
Kasunod ng pagkalat ng balitang nadakip na si Quiboloy ay lumutang din sa social media na inihayag umano ni Eastern Mindanao Commander, Lt. General Luis Bergante na sumuko si Pastor Apollo Quiboloy sa ISAFP sa loob ng Kingdom of Jesus Christ. Subalit itinanggi ito ng tagapagsalita ng EASTMINCOM na si Lt. Gen. Bergante ang nagsabi nito.
Sa isang panayam kay SILG Benhur Abalos, sinabi nitong kahit kanino sumuko si Quiboloy, ang mga pulis pa rin ang nagtrabaho, at dapat na bigyang pagkilala.
Inihayag din ni PNP Police Region Office 11 Director P/Bgen. Nicolas Torre III sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame sa Quezon City, na formality na lamang ang sinasabing pagsuko dahil napalilibutan na ito at hindi naman sumuko sa ibang lugar kundi sa loob din ng KOJC Compound. (JESSE KABEL RUIZ)
46